Unang Hakbang Sa Pagbasa

Posted on  by  admin

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa. Ayon sa dating pananaw, ang pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.sa kasalukuyang pananaw naman, ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin.

  1. Unang Hakbang Sa Pagbasa

Samakatuwid, ang tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang teksto mismo. Dahil ditto, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang nilalaman ng kanyang isipan. Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka babasa at kung ano ang gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at antas ng kahirapan nito. Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t ibang suliranin.

Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa sa uri ng teksto. Ang galaw ng mga mata sa pagbasa ay mahalaga rin. Nakapokus ang paningin sa unang bahagi ng pangungusap. Titigil doon ng ilang saglit; pagkatapos ay magpapatuloy; titigil na naman sa ibang bahagi ng pangungusap ng ilang saglit at saka uli magpapatuloy sa susunod pang mga pangungusap o mga pahina. Ito ang karaniwang tinatawag na fixations.

Ang pagbabalik sa naunang bahagi ay tinatawag na regression. Sa paghinto ng mata nagkakaroon ng pagpapakahulugan sa binabasa. Kung gaano ang pagtatagal ng pagtigil ng mata ay siya ring tagal ng pagbibigay-kahulugan ng isipan sa binabasa. Habang gumagalaw ang mata, ang mga anino o imahe ay Malabo at hindi mabibigyang-kahulugan ng isipan.

Marungko

UNANG HAKBANG SA PAGBASA AT PAGSULAT (Unang Aklat) Rex Bookstore, Inc. Preview this book » What people are saying - Write a review. Note: Citations are based on reference standards. However, formatting rules can vary widely between applications and fields of interest or study. The specific requirements or preferences of your reviewing publisher, classroom teacher, institution or organization should be applied.

Primarya (elementarya) Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang rudimentaryong kakayahan. Ibig sabihin, dinedevelop ito mula sa kamangmangan. Elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang ipinatuturo sa paaralang elementarya. Sa primarya, wika ang pokus. Ang pagkilala sa aktwal ng mga salita, at ang pagpapamalay sa kahuluhan ang unang konsentrasyon ng primaryang pagbasa. Inspeksyunal o Mapagsiyasat Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga.

Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa. Dahil sa limitadong pagbasa, hindi lahat ng nasa aklat ay babasahin kundi ang superfisyal o espisipiko na kaalaman lamang. Ang kailangang sagutan habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro?, Anu-ano ang mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan ba? Tinatawag din itong pre-reading o sistematikong iskiming. Mapanuri o Analytikal Ang antas na ito ay aktibo.

Dapat intindihing mabuti ang ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pag-iinter. Interpratibo ito, samakatuwid, sapagkat matalinong hinihinuha ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga, sa pagitan ng teksto o linya. Mahalaga rito ang malalim na nakapaloob na kaisipan. Sintopikal Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-uunawang integratibo ang kailangan sa antas na ito.

Komplikado at sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa.

Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang libro ang bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami namang nakukuhang benepisyo. 5 Hakbang tungo sa sintopikal na paksa 1. Pagsisiyasat Magsiyasat ng mga mahalagang bahagi na magkokonekta sa pokus(references). Asimilasyon Tukuyin mo ang wika at tukuyin ang mga termino(significant of terms).

Unang Hakbang Sa Pagbasa

Pagkatapos mong matukoy ang wika at termino, gagawa ka ng sarili mong konklusyon. Mga Tanong Sa mga binasa mo, may naiiwang mga tanong. Mga Isyu Lumilitaw ang isyu kung kapakipakinabang at makabuluhan ang mga katanungan. Kung di mo naunawaan ang binasa, hindi ka makagagawa ng sariling konklusyon dahil hindi mo binasa(walang malalim na pag-unawa at pagpapaliwanag). Konbersasyon Patukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na antas ng pagbasa. Palaging kwestunable ang katotohanan; sa diskurso, sa eksperto, sa sarili. Mayroong sariling pagpapaliwanag.

Coments are closed
Scroll to top